Angkas sa motor puwede sa MECQ
MANILA, Philippines — Sinabi ni Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na papayagan na ang pag-angkas sa motorsiklo sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) kung ang pasahero ay isang essential worker.
Ayon kay Eleazar na nagkaroon ng pagpupulong kamakalawa ng gabi ang national task force kasama ang mga city mayors at nagbigay ng guideline ang NTF through Secretary Delfin Lorenzana and Secretary Eduardo Año na papayagan under MECQ ang back-riding dahil suspended ang public transport at backrider ay isang essential worker o Authorized Person Outside of Residence (APOR). Hindi na rin aniya kailangan na mag-asawa o magkamag-anak ang aangkas sa motor.
“Ngayon siyempre andoon pa rin ‘yung barrier na required doon at saka pati ‘yung motorsiklo ay dapat po ay privately-owned, hindi siya for hire. ‘Yung travel na ‘yun dapat hindi siya inupahan,” giit ni Eleazar.
- Latest