^

Police Metro

Paghuli sa motorcycle riders na walang barrier sinimulan

Joy Cantos - Pang-masa
Paghuli sa motorcycle riders na walang barrier sinimulan
Ayon kay PNP-HPG Director Police Brig. Gen. Eliseo Cruz, mara­ming motorcycle riders ang nasampolan at nabigyan ng ticket dahil sa kawalan ng barrier matapos na unang ipakalat ang mga HPG traffic enforcers sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at EDSA kung saan ay magiging random ang kanilang ope­rasyon. Maging ang mga magkaangkas na nadiskubreng hindi mag-asawa at magka-live in ay hinuli sa operasyon
STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Sinimulan na kaha­pon ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang paghuli ng mga motorcycle riders na walang mga nakakabit na barrier o harang sa pagitan ng driver at pasahero sa Metro Manila.

Ayon kay PNP-HPG Director Police Brig. Gen. Eliseo Cruz, mara­ming  motorcycle riders ang nasampolan at nabigyan ng ticket dahil sa kawalan ng barrier matapos na unang ipakalat ang mga HPG traffic enforcers sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at EDSA kung saan ay magiging random ang kanilang ope­rasyon. Maging ang mga magkaangkas na nadiskubreng hindi mag-asawa at magka-live in ay hinuli sa operasyon

Sinabi ni Cruz na ang mga gumagamit naman ng karton at salamin bilang barriers ay hindi rin pinahihintulutan.

Inihayag naman ni Police Major Gen. Emmanuel Licup, hepe ng PNP Directorate for Ope­rations na sinumang may backride na walang barrier ay magmumulta mula P1,000 hanggang P10,000 depende sa bilang ng pagkakasala.

Ang mga motorcycle drivers na hindi nakla­sipikang Authorized Persons Outside Residence (APOR) ay mahaharap naman sa multang P3,000.

Samantalang ang mga walang suot na helmets at face mask ay magmumulta rin ng mula P1,000 hanggang P10,000 at kapag hindi asawa o live-in partner ang kaangkas ay karagdagang multang P1,000.

Una nang pinalawig ang palugit ng National Task Force (NTF) on COVID-19 na hanggang Hulyo 31 para maglagay ng barrier ang mga motorsiklo na pasado sa “safety standards” matapos na pahintulutan ang mga mag-asawa at mag-live-in partner na bumiyahe na magkaangkas.

HPG

MOTORCYCLE

RIDERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with