^

Police Metro

Ex-Rep. Ecleo na lider ng kulto, naaresto

Doris Franche, Ludy Bermudo - Pang-masa
Ex-Rep. Ecleo na lider ng kulto, naaresto
Iprinisinta ng NCRPO ang puganteng si ex-Rep. Ruben Ecleo matapos na ito ay maaresto kasama ang kanyang driver kahapon ng madaling araw sa San Fernando, Pampanga.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga ta­uhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si da­ting Dinagat Representative at “supreme master” ng kultong Philippine Benevolent Missionaries Association (PBMA) na si Ruben Ecleo Jr., sa Balibago, Angeles, Pampanga, kahapon ng madaling araw.

Si Ecleo, ay gumagamit ng pangalang “Manuel Ri­beral”, 60-anyos, residente ng Lot 6, Block 8, Orosa, Diamond Subdivision, Bali­bago, Angeles, Pampanga at tubong Dinagat, Surigao Del Norte.

Kasamang naaresto ang driver nito na si Benjie Relacion Fernan, alyas “Smile”, 35-anyos, nakatira rin sa na­sabing subdibisyon at tu­bong Dinagat Island dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1829 (Penalizing Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offenders).

Sa ulat ng pinagsanib na puwersa ng Regional Inteligence Division-Regional Special Operations Group at Regional Mobile Force Batallion kay NCRPO chief, P/Major General Debold Sinas, alas-4:30 ng madaling araw nang maaresto si Ecleo at ang driver sa paglabas nila sa naturang subdibisyon para maglaro ng golf sa kalapit na Beverly Golf Course, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Chairperson ng 1st Division ng Sandiganbayan Efren N. Dela Cruz at warrant of arrest mula sa Cebu court sa kasong paglabag sa section 3 (e) ng Republic­ Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act. na may criminal case nos. 24­467 hanggang 24469 at parricide.

Sinabi ni Sinas na may ilang buwan ding minanmanan si Ecleo na nahirapang matukoy kaagad dahil sa pagpapalit ng mukha o hitsura nito kumpara nang ito ay nagtatago sa Visayas.

Anim na buwang tinik­tikan si Ecleo na nagpalipat-lipat ng lugar mula sa Visa­yas ay napunta sa Metro Ma­­nila hanggang sa may impormasyon na nasa Cubao, Quezon City ito at ang pinakahuli ay sa Pampanga.

Nakumpiskahan si Ecleo ng iba’t ibang uri ng identification card kabilang ang paggamit ng pangalang “Marcos Macapagal Garcia” sa sasakyan niyang Grandia.

Nasamsam kay Ecleo ang P173,000.00 at iba’t ibang currency bills, apat na short firearms at isang long firearm.

Ilang beses na umanong nagtangkang sumuko si Ecleo, subalit natakot siya na mahirap ang kalagayan sa loob ng bilangguan.

Ayon naman sa mga ope­ratiba, nahirapan din silang makuha agad si Ecleo dahil pawang mga miyembro niya ang nakatira sa lugar kaya nagpapanggap silang mga vendor at basurero makapasok lang sa lugar.

Pinatawan din ng parusang reclusion perpetua si Ecleo matapos patayin ang kanyang asawa na si Alona Bacolod-Ecleo noong Abril 2020 na ang bangkay ay natagpuang naaagnas sa isang bangin. Pinagbabayad ng P25 milyon ng korte si Ecleo para sa danyos.

Si Ecleo ang number 1 sa most wanted reward list ng DILG na may patong na P2 milyong piso para sa kanyang ikadarakip.

RUBEN ECLEO JR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with