^

Police Metro

9 parak na sangkot sa Jolo shooting, humarap sa NBI

Danilo Garcia - Pang-masa
9 parak na sangkot sa Jolo shooting, humarap sa NBI
Humarap kahapon sa NBI ang 9 na pulis na sangkot sa Jolo shooting na ikinasawi ng apat na sundalo matapos na sila ay padalhan ng subpoena.
KJ Ro-sales

MANILA, Philippines — Humarap na sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 9 na pulis na sangkot sa pamamaril at pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Sinabi ni Deputy Dir. Antonio Pagatpat, director for regional operations ng NBI, ang pagpunta ng nasabing mga pulis ay para sa nagpapatuloy na imbestigasyon hinggil sa kaso matapos silang padalhan ng subpoena upang makapagpaliwanag sa nangyari.

Kabilang sa mga napatay ay sina Major Marvin Indammog; Captain Irwin Managuelod; Sergeant Jaime Velasco; at Corporal Abdal Asula na pawang mula sa 9th Intelligence Service Unit ng 11th Infantry Division ng Philippine Army.

Hindi naman nagbigay ng kanilang mga ‘written affidavits’ ang siyam kaya’t mapipilitan ang NBI na magpalabas na ng rekomendasyon sa Department of Justice nang walang panig ng mga pulis.

Maaari naman na magsumite ng kanilang affidavits ang mga pulis sa DOJ prosecutor sa oras na magsampa na ng kaso laban sa kanila.

Nakunan na ng NBI ng sinumpaang-salaysay ang 11 saksi sa insidente sa pamamagitan ng NBI Western Mindanao Regional Office habang may isa pang saksi na hinihintay.

Sinabi ni NBI Officer-in-Charge Eric Distor na plano nila na isumite sa DOJ ang pinal na ulat at rekomendasyon sa dara­ting na Biyernes base sa mga testimonya, mga ebiden­ s­yang nakalap sa ballistic at forensic tests at resulta ng otopsiya sa labi ng apat na sundalong napatay.

Nauna nang sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na nakapagsumite na ang mga field agent ng NBI ng kanilang inisyal na report kung saan nakasaad ang mga pahayag ng mga testigo, forensic findings ng medico-legal at ballistic experts kaya posibleng makapagsampa na ng criminal charges.

Naging mahigpit naman ang naging seguridad sa pagharap ng mga pulis sa NBI kung saan may mga SWAT team na itinalaga sa harapan ng NBI main office sa Taft Avenue, Maynila.

JOLO SHOOTING

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with