^

Police Metro

Religious gatherings sa Quezon City aprub na pero may paghihigpit

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Quezon City government si­mula kahapon na makapagsagawa ng religious activities sa lungsod pero ipatutupad ang paghihigpit sa qua­rantine protocol upang maiwasan ang anumang hawaan ng COVID-19.

Ang hakbang ay inanunsyo ng QC government nang payagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF) ang pagsasagawa ng religious activities sa mga lugar na nasa  ilalim ng general community quarantine (GCQ) na may 10 percent ng seating capacity.

Sa pinalabas na memorandum ni QC Mayor Joy Belmonte, kinikilala ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng pana­nampalataya at relihiyon ng mga Pilipino kaya’t naipatupad ang hakbang sa panahon ng pandemic.

Pinpayagan lamang na tumungo sa simbahan ang may edad 21 hanggang 59.

Ang mga wala pang 21 anyos at ang 60-anyos pataas lalo na kung may immunodeficiency, comorbidity, o iba pang health risks at ang mga buntis ay bawal pumunta sa alinmang religious gatherings. Paiiralin din ang social distancing at dapat na may isang entrance at exit lamang sa lugar. Isasagawa ang  thermal scanning at hand sanitizing pagpasok at paglabas ng gusali.

Ipinag-utos din ni Belmonte sa lahat ng barangay chairmen, QC Police District at sa Law and Order Cluster na magtulungan upang matiyak na sinusunod ang mga paghihigpit sa alinmang religious ga­thering sa lungsod.

RELIGIOUS GATHERINGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with