Mahigit 200K student sa private schools, lumipat sa public schools
MANILA, Philippines — Dahil sa economic impact ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay mahigit na sa 200,000 mag-aaral mula sa pribadong paaralan ang lumipat sa public schools ngayong taon.
Ito ang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones at isa sa mga sinasabing dahilan nito ay matapos na mawalan ng trabaho ang kanilang mga magulang dahil pandemic.
Sa ulat naman ni DepEd Undersecretary Jess Mateo, nabatid na nasa 18,871,245 na ang mga mag-aaral mula sa private at public schools ang nagpa-enroll para sa School Year 2020-2021.
Kung susumahin aniya ay halos siyam na milyong estudyante pa ang hindi nakakapagpa-enroll, may isang linggo na lamang bago ang deadline ng enrollment period sa Hulyo 15.
- Latest