129 preso sa Caloocan isinailalim sa COVID test
Matapos magpositibo ang 2 sa ‘Piston 6’
MANILA, Philippines — Nasa 129 detainees ng Caloocan Custodial Facility ang isinailalim sa swab testing matapos magpositibo sa COVID-19 ang dalawa sa anim na jeepney drivers na tinaguriang “Piston 6” na ikinulong makaraang arestuhin kamakailan dahil sa pagsasagawa ng protesta at pamamalimos.
Ayon kay Caloocan City Police chief Col. Dario Menor, apat na pulis na nakatalaga sa custodial center ang isasailalim din sa tests.
Bilang parte ng health at safety protocols, ipinag-utos niya na pansamantalang ipagbawal muna ang pagbisita sa detention facility dahil sa inaasahang gagawing pagdisinfect sa lugar ng mga tauhan ng City Health.
Nilinaw naman ni Menor na ang anim na Piston drivers ay nakahiwalay sa karamihan na mga nakakulong dahil matatanda na sila simula nung unang araw na pagkakulong nila hanggang sa kanilang paglaya matapos makapagpiyansa. Aniya, nasa maayos namang kondisyon ang lahat ng mga detainees at walang nagpapakita ng kahit anumang sintomas subalit, kailangan pa rin aniya nilang isailalim sa swab test para sa health protocol.
- Latest