1.5 toneladang imported goods at beauty products sinunog
MANILA, Philippines — Sinira ng Bureau of Customs-NAIA ang may 1.5 tonelada ng mga nakumpiskang iba’t ibang uri ng imported goods kung saan kabilang na rito ang nasa 400 kilo ng Goree beauty products na isinagawa sa Trece Martires, Cavite nitong Huwebes.
Kabilang sa mga sinira ang mga nakumpiskang kahon-kahon na mga gamot, cosmetics at mga pampaganda na may tatak na Goree na pawang mga lumabag sa batas ng pag-import sa bansa dahil wala itong mga kaukulang dokumento tulad ng permit at clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Sa ilalim ng FDA Advisory No. 2017-289, ipinagbabawal ang paggamit at pamamahagi ng mga Goree products dahil naglalaman umano ito ng mga nakakalason na antas ng mercury na lampas sa limitasyong itinakda ng ahensya.
Ang mga kinumpiskang beauty products ay sinira sa pamamagitan ng pagsunog nito gamit ang Thermal Decomposer (Pyrolysis) ng Integrated Waste Management Inc. (IWMI).
- Latest