^

Police Metro

P25 milyong mga puslit na food products nasamsam ng BOC at NBI

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahigit P25 milyong halaga ng mga puslit na pagkain kabilang na ang mga frozen peking duck na ipinagbabawal dahil sa banta ng bird flu ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang operasyon sa isang bodega sa Angeles City, Pampanga.

Ang isinagawang ope­rasyon ay binubuo ng Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS) at NBI-Special Action Unit (SAU) na may suporta mula sa Philippine Coast Guard (PCG), kung saan sinalakay ang warehouse sa Barangay Anunas sa Pampanga, dakong alas-12:30 kamakalawa ng tanghali.

Sinalakay ng mga otoridad ang bodega bitbit ang inisyung letter of authority at mission order ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero kung saan isisilbi ito sa isang Jimgold Tan na siya umanong kinatawan ng may-ari ng warehouse.

Sa kanilang pagsa­lakay ay bumungad sa mga otoridad ang mga soy sauce, langis, at mga frozen products tulad ng Peking duck, fish ball, squid balls, mga gulay, karne ng baboy, at iba pa sa bodega.

Sa inisyal na imbentaryo, nasa 1,149 kahon kung saan ang bawat isa ay may hindi bababa sa 10 Peking duck na nagkakahalaga ng P23 milyon habang ang iba pang mga frozen goods ay nagkakahalaga ng P2 milyon.

The products are believed to have been smuggled into the country because of a ban on importing poultry products from a number of countries except the United States, Canada, and Australia. These imported poultry products should pass stringent requirements and tests by the Customs and other regulatory government agencies,” saad ng Customs.

FOOD PRODUCTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with