^

Police Metro

Mayor Joy Belmonte sa Quezon City traders: ‘Huwag makipag-transact sa mga fixers’

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa ginawang panloloko ng isang fi­xer sa isang negosyante, nanawagan na ang lokal na pamahalaan sa mga business owners na makipagtransaksyon lamang sa mga empleyado ng Quezon City Hall kung nais kumuha ng license o business permits.

Ang panawagan ay ginawa ni Mayor Joy Belmonte nang ma­loko ng halagang P339,499.95 ang business  owner na si Norberto Reblora Jr. ng Massive Integrated Tech Solutions ng umano’y fixer na nangakong pabibilisin ang renewal ng business permit nito sa Business Permits and Licensing Department (BPLD).

Nagsampa na ng kasong estafa si Reb­lora laban sa suspek na si Mariecris Bobiles na nanloko umano sa kanya makaraang mahuli ng mga elemento ng QC Police Department at QC Legal Department.

Ayon kay Belmonte, walang dahilan para makipagtransaksyon sa mga fixer dahil pinabilis na ang proseso sa pagkuha ng mga permit, lisensiya at iba pang dokumento na kailangan sa pagnenegosyo sa QC.

FIXER

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with