IBP sa SC:Repasuhin ang guidelines sa online trial
MANILA, Philippines — Repasuhin ang guidelines sa ilalim ng ipinaiiral na general community quarantine (GCQ) na gawin nang pangkalahatang panuntunan ang online trial court hearings.
Ito ang hiniling ni Integrated Bar of the Philippines (IBP) president Domingo Egon Cayosa sa Supreme Court at kailangan maging pino ang guidelines sa ilalim ng GCQ at maging panuntunan na ang online hearings sa lahat ng mababang korte.
Naniniwala ang IBP na bukod sa makakatulong na gawing ligtas ang lahat sa pagkalat ng COVID-19 virus sa pamamagitan ng video conferencing, ang paggamit na sa information technology ay makakabuti upang mapaigting ang integridad,bilis, transparency at accountability sa pagresolba sa mga kaso.
Magugunita na iniutos ni SC Court Adminitrator Midas Marquez sa mga korte sa bansa na ituloy pa rin ang paggamit ng videoconferencing kahit idineklara ang GCQ sa karamihan sa mga lugar.
Iginiit ng IBP na panahon na upang maging computerized ang justice system gaya sa ibang bansa na ipinaiiral na noon pa ang and online proceedings.
- Latest