^

Police Metro

PUJ, UV Express posibleng mapaaga ang biyahe - DOTr

Mer Layson - Pang-masa
PUJ, UV Express posibleng mapaaga ang biyahe - DOTr
Sinabi ni Secretary Mark De Leon na bagama’t kinokonsiderang “high risk” public utility vehicles (PUVs) ang mga jeep at UV Express, maaa­ring payagan ang mga ito na makabiyahe kung hindi sapat ang bilang ng PUVs na magsisilbi sa publiko sa Hunyo 1 hanggang 21.
STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Upang i-augment ang bilang ng public utility vehicles na magsasakay sa mga commuter ay inihayag kahapon ni Transport Assistant Secretary Mark De Leon na maaaring mapayagang mag-operate sa Metro Manila ang mga jeep at UV Express units bago magtapos ang Phase 1 ng pagbabalik ng pampublikong transportasyon sa Hunyo 21.

Sinabi ni De Leon na bagama’t kinokonsiderang “high risk” public utility vehicles (PUVs) ang mga jeep at UV Express, maaa­ring payagan ang mga ito na makabiyahe kung hindi sapat ang bilang ng PUVs na magsisilbi sa publiko sa Hunyo 1 hanggang 21.

“Kung hindi sufficient ang bus na ‘yan, ang next na titignan natin ay ‘yung mga modern jeepneys. Kapag hindi pa rin available ‘yang mga modern jeepneys na ‘yan, saka na lang tayo titingin kung may available na UV Express at lumang jeepneys,” aniya.

“‘Yung mga lumang jeepneys kasi we are considering it as high-risk dahil wala silang mga tap card system, wala silang AFCS [Automatic Fare Collection System]. Napakahirap ng implementation ng public transportation sa mga ganyan at magiging delikado, napakadelikado ng ating public transportation. Baka maging transmission pa sila ng COVID kung saka-sakali,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng Phase 1, ipatutupad mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 21 ay pinapayagan nang bumiyahe ang mga tren at bus augmentation, taxis, transport network vehicle services (TNVS), shuttle services, point-to-point buses, at mga bisikleta, ngunit may li­mitadong passenger capacity lamang.

Papayagan din ang mga tricycle, ngunit dapat na aprubado muna ng local government units (LGUs) kung saan sila papasada.

Ang mga provincial buses ay hindi naman muna papayagang pumasok sa Metro Manila, sa ilalim ng Phase 1.

DOTR

MARK DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with