Lider ng drug syndicate todas sa engkuwentro
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang lider ng drug syndicate nang mauwi sa engkuwentro ang pagsisilbi ng warrant of arrest ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa lalawigan ng Pangasinan,kahapon ng umaga.
Kinilala ang napatay na si Dante Alvear y Quiatchon, nasa hustong gulang, itinuturong lider ng Balong Drug Group at Top 3 Most Wanted sa Maynila.
Sa ulat ng MPD-District Intelligence Division, bago nangyari ang engkuwentro, alas-8:15 ng umaga sa may Longos Street, Brgy. Bonouan Boquig, Dagupan City, Pangasinan ay unang nakatanggap ng impormasyon buhat sa kanilang mga asset ang Intelligence Division ukol sa kinaroroonan ni Alvear sa Pangasinan na sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa Maynila at responsable sa pagpatay sa isang barangay kagawad at dalawang pulis ng MPD.
Nang dumating ang mga otoridad sa pinagtataguang bahay ng suspek ay nakatunog ito at agad na pinaputukan ang mga paparating na mga pulis.
Gumanti ng putok ang mga pulis at nasapol ang suspek na namatay noon din na kung saan ay narekober ang ginamit nitong baril isang granada, at apat na plastic sachet ng marijuana.
- Latest