Quezon City protection center muling binuksan
MANILA, Philippines — Nagdesisyon ang Quezon City government na muling buksan ang kanilang protection center para sa mga biktima ng gender-based violence and abuse na tumaas ang bilang sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Mayor Joy Belmonte, nagdesisyong buksan muli nila ang center dahil sa ulat na may 602 katao o may average na walong katao kada araw sa buong bansa ang hinalay mula March 17 hanggang May 23.
Ang naturang center ay magsisimulang magserbisyo sa mga walk-in clients ngayong linggong ito partikular para sa mga kababaihan, kabataan at miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, and transgender) community na nakakaranas ng pananakit at pang aabuso.
Ang center na matatagpuan sa QC General Hospital (QCGH) compound sa Barangay Bahay Toro ay pansamantalang naipasara nang magkaroon ng COVID-19.
Bagamat naisara pansamantala ay patuloy naman itong gumaganap sa mandato sa pamamagitan ng pagtanggap ng reklamo at pagsagot ng mga inquiries sa pamamagitan ng kanilang e-mail na quezoncitypro[email protected] at sa pamamagitan ng Hotline 122 para sa agarang pag-aksiyon.
- Latest