^

Police Metro

COVID jokes bawal sa Valenzuela

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbabala si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na parurusahan ang sinumang  gagamit sa COVID-19  bilang joke o prank sa lungsod.

Ito ay matapos na apru­­bahan ng konseho ang City Ordinance 708 o ordinansang nagbabawal sa “COVID jokes” na na­ngangahulugan  na mapaparusahan ang sinumang magpapanggap na may COVID o magbibiro ng anumang bagay na maaa­ring magdulot ng takot ukol sa nasabing deadly virus.

Sa ilalim nito, bawal nang magkalat ang mga tao ng pekeng impormasyon tungkol sa virus, kabilang na ang pagpapanggap o pag-aakusa kaninuman ng pagiging COVID-19 positive kahit ‘di totoo.

Sakop nito ang paggamit sa COVID-19 bilang biro sa mga usapan mapa-personal man, liham, telepono, e-mail, social media, at kahit na ano pa.

Sinumang lalabag ay pagmumultahin ng P5,000 at/o sociocultural service sa lungsod gaya ng pagre-repack at pamamahagi ng relief goods o community service. Sa mga lalabag na 17-anyos pababa, kailangang sumailalim sa intervention program ng City Social Welfare and Development Office, gaya ng counseling, rehabilitation at community service.

COVID-19

JOKES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with