‘Recto University’ sinalakay: Pekeng IATF ID nasamsam
MANILA, Philippines — Sinalakay kahapon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang ilang imprentahan ng mga pekeng dokumento at identification cards partikcular ang Jemil Printing Press sa kahabaan ng CM Recto na tinawag na “Recto University” sa Maynila kung saan walong tao ang naaresto.
Ang operasyon ay kasunod umano ng pagkakaaresto ng isang motorista na gumamit ng pekeng identification card ng DTI-IATF na nabili umano niya sa halagang P350 bawat isa. Nasita siya checkpoint at nang i-scan ang kaniyang IATF ID ay hindi ito gumana o hindi nabasa ang bar code nito.
Sa pagsalakay ng pulisya sa printing press, nadiskubre ang ilang templates at mga coupon band na nakaimprenta na para gawing ID ng DTI-IATF.
- Latest