^

Police Metro

ABS-CBN shutdown pa rin hanggang walang TRO ang SC

Joy Cantos - Pang-masa
ABS-CBN shutdown pa rin hanggang walang TRO ang SC
Magugunita na nagsampa ang ABS-CBN ng petisyon sa Korte Suprema para sa TRO laban sa NTC matapos na mag-isyu ang huli ng cease and desist order sa ABS-CBN noong Mayo 5 o isang araw matapos na mag-expire ang prangkisa ng network.
STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Mananatiling “off the air” ang ABS-CBN kung hindi magpapalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) sa isinampang cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).

Ito ang sinabi ni Deputy Speaker at Camarines Sur Rep. Luis Raymund “LRay “ Villafuerte matapos na magdesisyon ang Kamara na isantabi at tuluyan nang bawiin  ang House Bill (HB) 6732 para mabigyan muna ng temporary franchise ang ABS-CBN hanggang Oktubre 31, 2020 at dumeretso sa pagdinig para sa karagdagan pang 25 taong renewal ng prangkisa  ng network.

Sinabi ni Villafuerte na napaso na ang prangkisa ng ABS-CBN at may pending itong kaso sa Korte Suprema.

Magugunita na nagsampa ang ABS-CBN ng petisyon sa Korte Suprema para sa TRO laban sa  NTC matapos na mag-isyu ang huli ng cease and desist order sa ABS-CBN noong Mayo 5 o isang araw matapos na mag-expire ang prangkisa ng network.

Kamakalawa ay hindi nag-isyu ng TRO ang Korte Suprema at sa halip ay pinagkokomento sa loob ng 10 araw ang NTC laban sa isinampang petis­yon ng ABS-CBN.

Bagaman sinabi ni Speaker Alan Peter Ca­yetano na mamadaliin na ang pagdinig sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN ay posibleng  bago ang State of the Nation Address (SONA) ni  Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 27 pa ito matapos kung saan ay madedesisyunan na sa Agosto ng taong ito.

ABS-CBN

SHUTDOWN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with