‘Boss FLM’ na nakilala sa ‘Mayaman Challenge’ dinamba ng NBI
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang nagpakilalang bilyonaryong negosyante, Youtuber at kaanak umano ng pamilya Marcos dahil sa kasong kinakaharap sa Baguio City.
Ang suspek na inaresto ng mga tauhan ng NBI Cybercrime Division sa bisa ng warrant na inilabas ng Baguio City RTC sa kasong paglabag sa Republic Act 8050 o ang Optometry Law na isinampa ng Optometrist Association of the Philippines
ay kinilalang si Francis Leo Marcos.
Nakilala si Marcos sa kaniyang “Mayaman Challenge” sa kaniyang Youtube account kung saan hinamon niya lahat ng mayayaman na mamigay ng tulong sa mga nangangailangan.
Namimigay umano siya ng relief goods, bigas at pera sa kaniyang mga subscriber.
Ngunit kung ikaw ay magsa-subscribe sa kaniyang channel at isi-share ang video sa iba’t ibang social media platforms.
Sinabi ni Marcos na nagbibigay umano siya ng ‘optimum eye care program’ sa iba’t ibang panig ng bansa at hinihinala na may mga malalaking tao na tinamaan sa kaniyang ‘Mayaman Challege’ kaya siya ipinaaresto.
Ngunit ilang netizen ang nagsabi na hindi niya totoong pangalan ang Francis Leo Marcos at Norman Mangusin ang kaniyang totoong pangalan na nahaharap rin umano sa iba’t ibang kaso ng estafa sa mga korte.
- Latest