Bagyong ‘Ambo’ humihina na
1 patay, 3 sugatan sa Eastern Samar
MANILA, Philippines — Humihina na ang bagyong si Ambo habang patuloy ang pagkilos nito papuntang Northern Quezon at Laguna area at nag-iwan ito ng isang patay at tatlong sugatan sa San Policarpio, Eastern Samar.
Alas-2 ng hapon kahapon, si Ambo ay namataan ng PAGASA sa bisinidad ng Kinagunan Ilaya, Quezon at patuloy ang pagkilos pahilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras. Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 110 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 150 kilometro bawat oras.
Dulot nito, nakataas sa Signal No. 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, Kalinga, La Union, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Pampanga, Bulacan, Rizal, Metro Manila, Laguna, eastern portion ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Umingan, Balungao, Sta. Maria, Tayug, Asingan, San Manuel, Binalonan, Laoac, Urdaneta, Villasis, Rosales, Sto. Tomas, Alcala, Bautista, Bayambang, Urbiztondo, Basista, Malasiqui, Sta. Barbara, Manaoag, Mapandan, San Jacinto, San Fabian, Pozorrubio, Sison, Mangaldan, Dagupan, Calasiao, Binmaley, Lingayen, Bugallon, Aguilar, San Carlos, Mangatarem), western portion ng Isabela (Quezon, Mallig, Roxas, Quirino, San Manuel, Burgos, Gamu, Reina Mercedes, Aurora, Luna, Cabatuan, Naguilian, Benito Soliven, Cauayan, San Guillermo, Dinapugue, San Mateo, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Jones, San Agustin, Santiago, Cordon), Cavite, Quezon kasama na ang Pollilo Islands, Camarines Norte, western portion ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot), Marinduque, at Batangas
Signal number 1 naman sa Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Batanes, nalalabing bahagi ng Pangasinan, Zambales, Bataan, Oriental Mindoro, Burias Island, nalalabing bahagi ng Camarines Sur, nalalabing bahagi ng Isabela, northern portion ng Albay (Tiwi, Malinao,Tabaco, Polangui, Libon, Oas, Ligao, Guinobatan, Pio Duran
Kahapon nakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Bicol Region, Quezon, Aurora, Marinduque, Laguna, Rizal, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Quirino.
Ngayong Sabado, inaasahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Aurora, at Nueva Ecija. Mapanganib ang maglakbay ang anumang uri ng sasakyang pandagat sa baybayin sa naturang mga lugar.
Ngayong Sabado rin, si Ambo ay nasa bisinidad ng Bangued, Abra; sa Linggo ay nasa layong 70 kilometro ng kanluran timog kanluran ng Basco, Batanes at sa Lunes ay nasa layong 450 kilometro ng hilagang silangan ng Basco, Batanes habang sa Martes ay nasa layong 1,645 kilometro ng hilagang silangan ng Basco, Batanes.
- Latest