‘Ambo’ signal no. 3 sa Luzon at Visayas
MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na paglakas ng Bagyong Ambo ay itinaas na sa signal number 3 ang mga lugar sa Luzon at Visayas.
Nakataas ang signal number 3 sa Sorsogon, Eastern section ng Albay Legazpi City, Manito, Daraga, Camalig, Jovellar, Santo Domingo, Bacacay, Rapu-Rapu at sa Visayas sa Northern Samar, northern portion ng Eastern Samar sa Jipapad, Arteche, Maslog, Dolores, Oras, San Policarpio, Can-avid, Taft, Sulat, San Julian, Borongan City at northern portion ng Samar sa Calbayog City, Sta. Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, Matuguinao, San Jose de Buan.
Signal number 2 sa southeastern portion ng Quezon sa Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Andres, San Francisco, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, the rest of Albay, Burias Island, at sa northern portion ng mainland Masbate sa Aroroy, Baleno, Masbate City, Mobo, Uson, Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz at sa Visayas sa Biliran, nalalabing bahagi ng Samar at nalalabing bahagi ng Eastern Samar.
Signal number 1 sa southern portion ng Aurora sa Baler, San Luis, Dingalan, southern portion ng Nueva Ecija sa Bongabon, Gabaldon, General Tinio, Laur, San Leonardo, Peñaranda, Gapan City, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, nalalabing bahagi ng Quezon, Marinduque, eastern portion ng Romblon sa Banton, Corcuera, Calatrava, San Agustin, Romblon, Magdiwang, San Fernando at Cajidiocan at sa Visayas sa northern portion ng Leyte sa Calubian,San Isidro, Tabango,Villaba, Leyte, Kananga, Capoocan, Carigara, Barugo, San Miguel, Babatngon, Tunga, Jaro, Alangalang, Sta. Fe, Tacloban City, Palo, Pastrana, Dagami,Tabontabon, Tanauan, Tolosa, Ormoc City, Matag-ob, Palompon, Merida, Isabel, Albuena, Barauen, Julita, Dulag at nalalabing bahagi ng Eastern Samar.
Alas-8:00 ng umaga kahapon, namataan ang sentro ni Ambo sa layong 185 kilometro ng silangan timog silangan ng Catarman, Northern Samar o nasa layong 110 kilometro ng hilagang silangan ng Borongan City.
Patuloy na pinag-iingat ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng public storm signal mula sa banta ng flashfloods at landslides.Sa Martes inaasahang lalabas ng bansa si Ambo.
- Latest