Bagyong Ambo, nagbabanta sa Visayas
MANILA, Philippines — Nagbabanta ang kauna-unahang bagyo sa bansa na si Ambo sa Visayas.
Si Ambo ay huling namataan ng PAGASA kahapon ng alas-11:00 ng umaga sa layong 385 kilometro ng silangan ng Surigao City, Surigao del Norte taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 70 kilometro bawat oras.
Bukod sa Visayas, si Ambo ay magdudulot din ng mga pag-ulan sa Mindanao at ngayong Miyerkules ay inaasahang nasa layong 280 kilometro ng silangan ng Borongan City, Eastern Samar at sa Huwebes ay nasa layong 145 kilometro ng silangan ng Juban, Sorsogon sa Bicol.
Sa Biyernes, si Ambo ay inaasahang nasa layong 25 kilometro ng kanluran hilagang kanluran ng Alabat, Quezon at inaasahang magtatagal hanggang sa araw ng linggo na mamamataan sa Basco, Batanes.
- Latest