ECQ extension dedesisyunan ni Duterte ngayon
MANILA, Philippines — Dedesisyunan nga-yong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte kung palalawigin pa ang enhanced community qua-rantine (ECQ) sa mga lugar na may mataas na bilang ng COVID-19.
Sinabi ni Secretary Harry Roque, spokesman ng Pangulo na ngayong Lunes ay inaasahang maglalabas ng anunsiyo ang Pangulo kung ano ang mangyayari sa pagtatapos ng Mayo 15.
Ayon pa kay Roque, gagawin ang announcement pagkatapos ng meeting ng Inter-Agency Tsk Force for the Ma-nagement of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Noong Sabado ay nag-meeting ang may 17 Metro Manila Mayors at isinumite nila sa IATF ang kanilang tatlong proposals kung saan kabilang dito ang mungkahi nila na isailalim sa dalawang linggo pa na ECQ mula May 15-30.
Subalit ayon sa opisyal, ang ilang bahagi na lamang ng National Capital Region (NCR) na may malawak na bilang ng kaso ng COVID-19 ang isasailalim sa ECQ habang ang iba na mababa ang kaso ay general community quarantine o GCQ kung saan ilang restriksyon din sa paggalaw ang ipatutupad.
- Latest