Go pinabibilisan ang pagpapatupad ng Balik Probinsiya Program
MANILA, Philippines — Para maihanda ang mga kailangan sa pagpapatupad ng Balik Probinsiya Program base sa objectives at timeline nito ay pinakikilos na ni Senador Bong Go ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno.
Iginiit pa ng Senador na dapat nang ilatag ang mga protocols dahil marami nang kababayan ang gusto nang umuwi sa kani-kanilang mga probinsiya kaya mahalagang matukoy at maipatupad ng mga government agencies ang mga initiatives para sa “immediate”, “medium term” at “long term” phases ng panukalang programa.
Base umano immediate o short term phase, dapat ipatupad ng mga local government units ang quarantine protocols, COVID-19 testing at makipag-coordinate sa Department of Health bago nila tanggapin ang mga BPP beneficiaries.
Habang sa medium term naman, sinabi ni Go na kabilang dito ang pagtukoy sa mga pamilyang gustong mapasama sa BPP. Dapat aniyang masiguro rito ang employment, health, educational institutions, housing at peace and order.
Para naman sa imediate plans, iginiit ni Go na kailangan ng mga LGUs na maglagay ng mga help desk para sa mga nais lumahok sa BPP at kailangang masiguro ang peace and order sa mga lugar na paglilipatan.
Nakasaad sa long term phase na kahit tapos na ang administrasyong Duterte, dapat pa ring mahikayat ang mga pamilyang naninirahan sa mga malalaking lungsod na lumipat sa mga probinsiya at magbigay ng mga insentibo para sa mga negosyanteng gustong mamuhunan doon.
- Latest