^

Police Metro

Impact ng COVID-19 sa education system iimbestigahan ng Senado

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naghain si Senador Sherwin Gatchalian ng  Senate Resolution No. 391 na nanawagan ng imbestigasyon para matukoy ang recovery measures na kailangan ng bansa para matukoy kung ano ang dapat maging tugon ng gobyerno sa pandemic at masiguro  na ang bansa ay may sustainable at resilient education system ngayong panahon ng emergency.

Paliwanag ni Gatchalian, hindi lamang nila sisikaping makabangon ang sistema ng edukasyon mula sa naging epekto ng COVID-19 kundi kailangan din nilang patatagin ang kakayahan ng mga paaralan na ipagpatuloy ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa panahon ng mga krisis at sakuna.

Idinagdag pa ng Senador na mahigit sa 28 milyon estudyante mula sa primary hanggang tertiary levels ang naapektuhan ng coronavirus pandemic matapos na suspendihin ng mga eskwelahan ang kanilang mga pasok.

Nilinaw naman niya ang kahalagahan ng paghahan­da sa mga estudyante, mga magulang at mga guro para tanggapin ang bagong paraan ng pag-aaral bilang new normal.

COVID-19

EDUCATION SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with