^

Police Metro

Chinese trader tiklo sa hoarding ng P4 milyon medical supplies

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Chinese trader ang naaresto sa entrapment operation at nadiskubre ang nakaimbak na  P4 mil­yong halaga ng ethyl alcohol, masks at iba pang medical supplies, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Robin Merenda Siwa, 32, ng No. 15 C Gen. Pio Valenzuela St., Brgy. 78, Caloocan City.

Sa ulat, alas-2:30 ng hapon nang isagawa ang entrapment operation laban sa suspek ng mga tauhan ng otoridad dahil sa sumbong na nagtatago ito ng mga medical supplies at ibinebenta ng overpriced.

Nang makabili ang poseur-buyer ng dalawang galon ng ethyl alcohol kapalit ng P2,000 marked money ay doon na nagbigay ng signal ang una sa mga kasamang pulis at inaresto ang suspek.

Lumitaw sa beripikasyon sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng lungsod na walang business permit si Siwa para magbenta ng alcohol at medical products.

HOARDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with