^

Police Metro

Balik Probinsiya Program gawing sistematiko - Go

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dapat ay masigurong sistematiko ang pagpapatupad ng Balik Probinsiya Program partikular ngayong panahon ng  COVID-19 pandemic.

Ito ang kahilingan ni  Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga ahensya ng gobyerno na dapat ay alamin ng mga ito ang pagkakahati-hati ng mga tao base sa kanilang pangangailangan para makabalik sa kanilang mga probinsya na dapat ay ma-address ng pamahalaan kung sinu-sino ang nanganga­i­langan ng “immediate, medium at long-term” na solusyon para mapauwi sa kanilang mga probinsiya base sa kanilang kalagayan ngayon panahon ng COVID-19.

Sa isang virtual meeting na dinaluhan ni Go kasama ang ilang opisyal ng pamahalaan na pinangungunahan ni  Exe­cutive Secretary Salva-dor Medialdea at napagkasunduan na dapat ang programa ay merong tatlong phases.

“May pang-immediate para sa mga uuwi talaga pagkatapos ng ECQ, may medium-term para sa mga nais mag-relocate pabalik sa kanilang probinsya, at may long term para mas mabigyan ng oportunidad ang mga tao at mapalakas lalo ang ekonomiya sa  iba’t ibang lugar sa bansa,” paliwanag ng senador.

Iginiit din ni Go na dapat ay paghandaan din ng pamahalaan ang mga paaralan sa iba’t ibang lugar para sa inaasahang pag­lipat ng mga estudyante na manggagaling sa Metro Manila at iba pang mala-laking lungsod na ipatupad ang Balik Probinsya Program kapag natapos na ang krisis sa COVID-19.

BALIK PROBINSIYA PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with