^

Police Metro

48 oras na hard lockdown sa Tondo 1st District tuloy na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuloy na sa darating na Linggo hanggang Martes ang pagpapatupad ng 48 oras na hard lockdown sa Tondo 1st District.

Ito ay makaraang pirmahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Executive Order No. 22 nitong Huwebes para sa pagpapasailalim sa “shutdown” para maisakatuparan ang “disease surveillance at tes­ting operations”.

Ipatutupad ang ‘hard lockdown’ dakong alas-8:00 ng Linggo ng gabi hanggang alas-8:00 ng Martes ng gabi kung saan pinagbabawalan ang lahat ng residente na lumabas ng kanilang mga bahay maliban sa mga may exemption tulad ng mga frontliners, barangay officials, national govt. officers at media.

Layon nito na maisai­lalim sa COVID testing ang maraming residente at maampat ang pagtaas ng bilang ng kaso sa distrito.

Tinatayang may 140,166 pamilya na naninirahan sa Tondo District 1 at bago ipatupad ang hard lockdown, tiniyak ni Domagoso na mabibigyan lahat ng pamil­ya ng food packs na tatagal ng dalawang araw.

HARD LOCKDOWN

TONDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with