International flights suspendido ngayong 2020
MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Tourism (DOT) na malaki ang posibilidad na suspendido sa buong taon ang biyahe palabas ng bansa bilang pagtitiyak sa kaligtasan sa pandemya dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“At this point in time, traveling is just but a dream,” ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.
Sinabi ni Puyat na hindi agad-agad babalik sa normal ang mga biyahe kahit na matanggal na ang ECQ. Marami ring mga lokal na pamahalaan ang hindi pa tatanggap ng mga bisita maging ang mga ibang bansa.
Inamin ng kalihim na pinakatinamaan ng epekto sa ekonomiya ng pan-demya ang industriya ng turismo na umabot lamang ng 1.3 milyon ang ‘fo-reign arrivals’ sa bansa na mababa ng 40.2% kumpara noong nakaraang taon.
Nagdulot ito ng pagbaba sa P79.8-Bilyon sa kita sa turismo kumpara sa P134.3-bilyon noong nakaraang taon.
- Latest