^

Police Metro

Trader nahulihan ng 27-boteng alak, baril at mga bala sa checkpoint

.Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 39-anyos na negosyante matapos mahulihan ng 27 bote ng alak, baril at mga bala nang parahin  sa checkpoint sa Brgy. Payatas, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng mga tau­han ng Quezon City Po­lice ang suspek na si Brando Busca, 39, residente ng 115 Kapalaran St., Litex Road, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa imbestigasyon, alas-3:25 ng madaling araw ay nagmamando sa checkpoint ang mga pulis nang parahin nila ang sasakyan ng suspek na kulay puting Nissan pick-up (NCJ 5168) para isailalim sa thermal scanning ang driver.

Sa isinagawang inspeksyon, nakita sa loob ng sasakyan ang 27 bote ng Emperador light na tig-iisang litro, isang 9mm na baril at dalawang magazine na may 15 na  bala.

May dala ring P12,600  cash ang suspek at iba’t ibang ID cards at firearms license na agad na dinala sa Station 6 ng QCPD upang isailalim sa masu­sing imbestigasyon.

vuukle comment

HULE

TRADER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with