Epidemic Management Commission likhain na
MANILA, Philippines — Iminungkahi ni AKO Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., sa pamahalaan na panahon upang likhain ang Epidemic Management Commission (EMC) upang maging handa sa mga posible pang epidemya sa hinaharap na panahon.
Sinabi ni Garbin na sa kasalukuyan ay kailangan rin ng exit strategy para maging permanenteng istraktura sa paglaban sa epidemya dahilan ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay isang Ad Hoc Body na masyadong abala sa pagtugon sa araw-araw na problema.
Sinabi ni Garbin na ang EMC ay maaaring likhain sa pamamagitan ng Executive Order na kahalintulad ng Presidential Commissions kung saan ay maaari rin naman itong maisulong sa Kongreso sa pamamagitan ng panukalang batas para sa formal charter.
Ang pondo para sa lilikhaing EMC ay magmumula sa Office of the President at sasailalim ang nasabing tanggapan sa Department of Disaster Resilience (DDR) kapag naging operational na.
Dapat rin aniyang magkaroon ng molecular laboratories para makapag-deploy kaagad ng mga units sa pamamagitan ng mga small fleet ng mga hospital ships na pamamahalaan ng mga highly-trained health professionals.
- Latest