^

Police Metro

Sa Covid-19 27 OFW isinailalim sa rapid testing sa Cagayan

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinailalim sa COVID-19 Rapid Testing ang 27  Overseas Filipino Workers (OFWs) na umuwi sa lalawigan ng Cagayan kamakalawa ng umaga at isasailalim din sa 14-day quarantine.

Ang mga OFW ay kinabibilangan ng 18 kababaihan at 9 na mga Seafarers na sinundo ng transport services ng OWWA sa Maynila at magkakasabay na inuwi sa nasabing lalawigan.

Bago ipinasakamay sa iba’t ibang mga LGU na susundo sa kanila para iuwi sa kani-kanilang mga bayan ay dineretso muna ng OWWA ang mga OFW sa kapitolyo ng Cagayan para sumailalim sa disinfect at anti-body rapid testing bilang pagtugon sa mga protocols na inilatag ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Di-seases (EID) sa lalawigan.

Una nang naglabas ng kautusan si Gobernador Manuel Mamba na walang papapasukin sa Cagayan maging ang mga residente rito na galing sa ibang lugar upang maibsan ang epekto ng COVID-19 lalo na at wala nang COVID-19 patient sa lalawigan.

RAPID TESTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with