^

Police Metro

DepEd: Peke ang kumakalat na kopya ng school calendar para sa SY 2020-2021

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Peke ang kumakalat na kopya ng school calendar para sa School Year 2020-2021.

Ito ang inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) at sinasabing hindi galing sa kagawaran ang kopya at larawan na nagsasaad ng school calendar na kumakalat sa social media.

Ayon sa DepEd, magpapalabas sila ng opisyal na school calendar para sa SY 2020-2021 sa pamamagitan ng isang DepEd Memorandum na ibabahagi sa DepEd website at official DepEd Philippines Facebook page sa susunod na mga araw.

Hinimok ng DepEd ang mga taong responsable sa pagpapakalat ng pekeng school calendar na tumigil na sa kanilang gawain kung ayaw nilang maaresto.

Sa mga pinasahan naman ng pekeng school calander ay huwag na itong ibinabahagi sa iba sa halip ay maging responsable sa paggamit ng social media.

Base sa ipinakakalat na pekeng school calendar ay nakasaad na sa August 3, 2020 magbubukas ang klase at magtatapos sa April 2021.

Aminado naman si DepEd Sec. Leonor Briones, na posibleng sa buwan nga ng Agosto magbukas ang klase para sa School Year 2020-2021 bunsod na rin ng mapa­nganib para sa mga mag-aaral ang magbalik-klase dahil pa rin sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.

Ayon kay Briones, kinonsulta nila ang mga eksperto sa edukasyon at mga negosyo hinggil sa pagbubukas ng klase, na sa ilalim ng batas ay dapat na magsimula sa pagitan ng Hunyo hanggang Agosto.

Base sa konsultasyon, malaki aniya ang posibilidad na Agosto na papasukin sa klase ang mga estudyante pero wala pa silang inilalabas na takdang araw at petsa ng pasukan.

SCHOOL CALENDAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with