^

Police Metro

Higit 200 obrero ‘di inabandona ng construction firm

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Agad nilinaw ng isang construction company na hindi nila inabandona ang mga empleyado ng kanilang subcontractors, na naistranded sa isa nilang proyekto sa Pasig City, matapos na abutan ng ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon ng pamahalaan dahil na rin sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ng CE Construction, na siyang general contractor ng One Filinvest and Exchange Square, na simula pa lamang ng ECQ noong Marso 16 ay sini­mulan na nila ang pag-asiste sa mga ito kabilang na dito umano ang pagbibigay ng pagkain, suweldo at iba pang pangangaila­ngan ng mga manggagawa.

Tiniyak din ng pamu­nuan ng CE Construction na patuloy nilang tutulungan ang kanilang mga manggagawa sa buong panahon ng pandemic at hanggang sa tuluyan nang magpasya ang pamahalaan na alisin na ang ECQ sa bansa.

Magugunita na hinatiran ng food packs ni ACT-CIS Cong. Niña Taduran ang mahigit sa 200 na obrero sa kanilang construction sites sa Ortigas, Pasig City at pinag-aaralan pa na kasuhan ang kumpanya ng pag-aabandona.

vuukle comment

CONSTRUCTION FIRM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with