^

Police Metro

6 miyembro ng Anakpawis inaresto sa paglabag sa ECQ

Angie dela Cruz at Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang anim na miyembro ng Anakpawis dahil sa paglabag sa “stay home policy” at bumiyahe sa labas ng Metro Manila gayung umiiral ang enhanced community qua­rantine (ECQ) sa Luzon.

Ang mga dinakip ay kinilalang sina Karl Mae San Juan, Marlon Lester Gueta, Robero Medel, Eriberto Peña Jr., Raymar Guaves, at Tobi Estrada.

Sa ulat, ala-11:00 ng umaga ng Linggo ay sakay ng jeep ang mga suspek nang maharang ito ng mga tauhan ng Norzagaray-PNP na kung saan ay naglagay pa umano ng hindi otorisadong Food Pass ang Anakpawis sa windshield ng gamit nilang jeep at ginamit ang pangalan ni dating Anakpawis Party-list Congressman Ariel Casilao para makalusot sa checkpoints.

Sa ginawang imbes­tigasyon ng pulisya, natuklasan na ang totoong pakay ng grupo ay ang magsagawa ng mass gathering at magdaos ng teach-in o propaganda work laban sa gobyerno dahil sa nakumpiskang tarpolina, pamphlets at propaganda materials sa loob ng jeep.

Binatikos naman ni DILG Spokesperson Usec. Jonathan Malaya ang Anakpawis dahil sa isang malinaw na paglabag sa quarantine rules na puwede lang lumabas ng bahay para bumili ng pagkain at gamot.

“By doing this obvious propaganda stunt, Anakpawis has placed the lives of the people of Bulacan at risk. Wala pong pinipili ang COVID-19. Mayaman man o mahirap,” ayon kay Malaya.

STAY HOME POLICY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with