Sen. Go: Wage subsidy program para sa maliliit na negosyante na apektado ng COVID-19
MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang mga concerned government agencies hinggil sa implementasyon ng small business wage subsidy (SBWS) program para sa small businesses, bilang bahagi ng pagsusumikap ng pamahalaan na masuportahan ang middle class at mabawasan ang matin-ding epekto sa ekonomiya ng coronavirus disease (COVID-19) emergency.
Iniulat ng ilang concerned agencies na ilang small businesses ang napilitang magsagawa ng tigil operasyon habang ang iba ay nakapag-operate sa pamamagitan ng ske-letal forces, bilang resulta ng enhanced community quarantine (ECQ).
Dahil dito, gumawa ng mga pamamaraan ang pamahalaan, kabilang na ang SBWS program, upang matulungan ang mga maliliit na negosyo na labanan ang impact ng health emergency.
“Nagpapasalamat po tayo sa ating finance agencies dahil dininig nila ang ating apela na suportahan ang mga MSMEs. Tulungan natin ang mga ito na buhayin ang kanilang negosyo dahil sila rin ang bubuhay sa ating ekonomiya lalo na kapag natapos na ang krisis na ito,” ani Go.
Magkakaloob umano ang pamahalaan ng wage subsidy sa halagang nasa pagitan ng P5,000 hanggang 8,000 kada eligible na manggagawa ng mga naturang negosyo, na apektado ng ECQ sa Luzon at iba pang bahagi ng bansa.
Nagtakda ang Department of Finance ng mga guidelines na siyang tutukoy kung aling mga kumpanya ang kabilang sa small business at eligible para sa wage subsidy.
- Latest