^

Police Metro

Retail operation sa Balintawak markets ipinatigil

Mer Layson - Pang-masa
Retail operation sa Balintawak markets ipinatigil
Ayon kay Belmonte, ang papayagan lamang nilang pumasok sa palengke ay yaong bibili ng mga bultu-bultong paninda o di kaya’y yaong magbabagsak ng mga produkto sa Balintawak markets, na kilalang mga bagsakan ng mga produkto mula sa lalawigan.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Dahil sa pagkakaroon ng paglabag sa regulasyon hinggil sa physical distancing na ipinatutupad ng pamahalaan sa Luzon, bunsod na rin ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay pansamantalang ipinatigil ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang retail operation sa mga palengke sa Balintawak na kinabibilangan ng Cloverleaf, North Diversion, Riverview I, Riverview II, Pilson’s, MC, at Edsa Bagsakan.

Ayon kay Belmonte, ang papayagan lamang nilang pumasok sa palengke ay yaong bibili ng mga bultu-bultong paninda o di kaya’y yaong magbabagsak ng mga produkto sa Balintawak markets, na kilalang mga bagsakan ng mga produkto mula sa lalawigan.

Hindi na rin muna papayagang makapasok sa mga pamilihan, partikular sa bahagi ng Samson Road at EDSA, ang mga mamimili na tingi-tingi o pansariling konsumo lamang ang bibilhin.

Kaagad ring ipinasara ng mga lokal na opisyal ang mga retail stalls ngunit hindi pa batid kung kailan sila papayagang magbukas muli ng tindahan.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na ang mga retail vendors na maaapektuhan ng kautusan ay kanilang isasama sa kanilang QC Fresh Market on Wheels prog­ram. 

BALINTAWAK MARKETS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with