6 timbog sa overpriced thermal scanners, alcohol
MANILA, Philippines — Anim katao ang naaresto ng mga otoridad sa apat na operasyon dahil sa pagbebenta ng overpriced at pagho-hoard ng mga thermal scanners, alcohol at goggles sa Valenzuela, Maynila, at Quezon City.
Unang naaresto nitong Abril 6, ng Criminal Investigation and Detection Group, Regional Field Unit (CIDG-RFU), sa entrapment operation ang mga suspek na sina Prince Valentine Florentino and Jem Taguiam na nakumpiskahan ng 125 piraso ng thermal scanners na nagkakahalaga ng 687,500.00 sa Valenzuela City.
Kinabukasa,alas-2:30 ng hapon ay naaresto naman sina Merlita Mesa Toong, ng No 1293 Buenavidez St., Sta Cruz, Maynila, sa loob ng kanyang beauty parlor sa pagbebenta ng overpriced na alcohol, facemask, at goggles.
Nakumpiska mula kay Toong ang 40 gallon at 96 litro ng isopropyl alcohol, 15,000 disposable facemasks,250 piraso ng safety goggles na may kabuuang halagang P1,266,700.00.
Nadakip sa ikatlong operasyon sa QC sina Jake Olay, 43, negosyante, ng Quezon City; at Mark Wilfred Tiongson, 23, sa harap ng isang restoran sa Scout Delgado St., kanto ng Timog Avenue, Brgy. Kamuning at nasamsam ang thermal scanners na nagkakahalaga ng P219,000.00 at 10 goggles na nagkakahalaga ng P4,650.
Huling naaresto sa entrapment operation ang suspek na si Lea Joy Cueto Araciel, 30, ng No 3888 Sto. Tomas St., Pinalad, Pasig City sa harapan ng bangko sa Otis, Pandacan, Maynila at nasamsam ang 100 thermal scanners na may halagang P550,000; at 1,000 N-95 face masks na P198,000.
- Latest