^

Police Metro

Tax credit para sa middle income earners giniit

Joy Cantos - Pang-masa
Tax credit para sa middle income earners giniit
Kaya naman apela ng kongresista sa pamahalaan, bigyan ang middle income earners kahit man lang kabawasan sa buwis na katumbas ng halagang ipinamahagi sa mahihirap na pamilya sa ilalim ng social amelioration program.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Hiniling ni ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran sa gobyerno na magbigay ng tax credit sa middle income earners sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Ayon kay Taduran maging ang pamilya ng mga ito ay nangangaila­ngan ng tulong pinansyal sa panahong ito dahil mas malaki ang gastos.

Marami rin anyang middle income families ang apektado ng paghina ng ekonomiya at paghinto ng trabaho.

Kaya naman apela ng kongresista sa pamahalaan, bigyan ang middle income earners kahit man lang kabawasan sa buwis na katumbas ng halagang ipinamahagi sa mahihirap na pamilya sa ilalim ng social amelioration program.

Malaking bagay anya ang kabawasang P5,000 hanggang P8,000 na magagamit naman nila sa personal na panga­ngailangan.

Sabi ni Taduran, ba­gama’t kabawasan ito sa kita ng gobyerno, maka­tutulong din naman sa ekonomiya ang dagdag na purchasing power ng middle class bukod pa sa hindi na ito dagdag na gastos ng pamahalaan.

vuukle comment

COVID-19

NIñA TADURAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with