Kasapi ng ‘International Media’, 3 pa dinakip sa COVID-19 checkpoint
MANILA, Philippines — Arestado ang isang kasapi ng “International Media” at tatlong “Federalism volunteers” matapos arestuhin dahil sa umano’y pambabastos ng pulis sa COVID-19 checkpoint sa Brgy Catotoran Norte, Camalaniugan, Cagayan noong Biyernes.
Sa report ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi nang sitahin ng mga awtoridad ang sinasakyang traysikel ni Arlene Arellano, 49, kasama ang mga volunteers na sina Lovely May Sosa 27, Janet Sosa, 21, at drayber nilang si Isidro Siriban Jr., 43.
Dahil dito, nabagot na inagaw ni Arellano ang kanyang Press Card na pinagmamasdan ni P/Staff Sergeant Christian Espiritu saka pinagsabihang “Hindi mo ba ako kilala, International Media ako” at “Hindi ka ba naniniwala? Hindi naman peke yan.”
Dahil dito, inaresto ang apat dahil sa sinasabing paglabag sa alituntunin ng enhanced community quarantine saka sila dinala sa himpilan ng pulisya upang isailalim sa imbestigasyon.
- Latest