COVID case sa Mental Hospital pumalo sa 18
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang National Center for Mental Health ng 18 kaso ng COVID-19 at dalawa sa mga ito ay binawian na ng buhay.
Ayon kay NCMH chief administrative officer Clarita Avila, kabilang sa mga nabiktima ng sakit ay anim na psychiatric patients at 12 hospital staff at dalawa dito ay namatay sa ospital.
Sa kasalukuyan ay 30 porsiyento ng staff ay hindi na pumapasok dahil ikinukonsidera na silang patients under investigation (PUIs) at persons under monito-ring (PUMs). Habang ang iba ay naka-lockdown dahil walang transportasyon at ang iba ay natatakot ng pumasok dahil sa kakulangan nila ng supplies upang protektahan ang kanilang sarili.
Ayon pa kay Avila, 228 na ng kanilang mga staff ang itinuturing nang PUIs habang 139 naman ang ikinukonsiderang PUMs at may 11 psychiatric patients ang itinuturing na PUIs, at nananatiling naka-admit sa NCMH.
Simula ng enhanced community quarantine noong Marso 17, ay hindi na rin muna nila pinapayagan ang mga bisita ng mga psychiatric patients na pumasok sa gusali habang ang mga donor naman ay hanggang sa gate lamang pinapayagan.
- Latest