Preso sa Taguig Police Station natigok sa pigsa
MANILA, Philippines — Namatay ang isang 34-anyos na person under police custody (PUPC) sa Taguig City Police Station matapos maimpeksiyon ang kaniyang pigsa, kamakalawa ng hapon.
Ang biktima na idineklarang patay, alas-3:40 ng hapon sa Pateros District Hospital, Barangay Western Bicutan, Taguig City ay kinilalang si Ramil Rubio Maltezo, ng San Juan, Taytay Rizal na may kasong paglabag sa droga.
Sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga kamakalawa nang ipaalam ng dalawang inmates sa Duty Custodial Officer ang dumaraing ng sakit ng kaniyang pigsa at nanginginig habang nasa loob ng selda.
Inilabas ng selda si Malteza at inilagay sa well-ventilated na lugar at itinawag sa Taguig Rescue Team at nang masuri ay agad na dinala sa nasabing ospital, subalit ilang oras lang ay binawian na ng buhay.
Sa pagsusuri ng mga doctor, nagkaroon ng “Septicemia” o mataas na lebel ng bacterial infection sa dugo si Malteza sanhi ng kanyang pigsa bunga rin ng sobrang init at siksikan sa selda at pumapasok na singaw ng nasa 42 units ng aircon ng mga katabing gusali bukod pa sa kulang sa bentilasyon.
Agad na iniutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/Major General Debold Sinas ang pagsasagawa ng disinfection sa detetion facility at gawin ito ng regular at mandatory ang araw-araw na paliligo ng mga inmates.
Binigyan na rin ng mga antibiotic ang iba pang preso na may pigsa upang hindi na humantong sa sinapit ni Malteza.
- Latest