Unang linggong report sa additional powers ni Duterte isinumite na sa Kamara
MANILA, Philippines — “We respectfully transmit herewith the 1st report of the President to the Joint Congressional Oversight Committee pursuant to Section 5 of Republic Act (RA) 11469 otherwise known as Bayanihan to Heal As One Act.”
Ito ang sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea nang isumite na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tanggapan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Senate President Vicente Sotto III ang unang linggong report sa karagdagang kapangyarihan kaugnay ng mga naging aksyon ng pamahalaan upang mapaigting pa ang pagtugon para labanan ang epidemya sa coronavirus disease 2019 (COVID) 19.
Ang Bayanihan To Heal As One Act na pinagtibay ni Pangulong Duterte matapos itong ipasa ng Kamara de Representantes at ng Senado sa special session noong Marso 23 sa gitna ng krisis sa COVID 19 sa bansa.
Alinsunod sa RA 11469 ay nabigyan ng karagdagang kapangyarihan si Pangulong Duterte para makapagdeklara ng national emergency dulot ng COVID 19 sa limitadong panahon para matugunan ang krisis.
Sa Section 5 ng RA 11469 tuwing Lunes kada linggo ay magsusumite ang Pangulong Duterte ng lingguhang report sa dalawang Kapulungan ng Kongreso sa mga naging aksyon ng pamahalaan laban sa nasabing pandemic na virus partikular na sa pagtulong sa 18 milyong mga residenteng naapektuhan sa Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.
Samantalang ang Joint Congressional Oversight Committee na binubuo ng apat na senador at apat na kongresista ng Kamara ang magsusuri kung ang lahat ng aksyon na ipinatupad ng Executive Branch ay tumatalima sa itinatadhana ng batas.
- Latest