SK chairman nagwala sa quarantine checkpoint, inaresto
MANILA, Philippines — Isang incumbent Sanggunian Kabataan (SK) Chairman ang inaresto matapos itong magwala sa inilatag na quarantine checkpoint sa Purok 1, Brgy. Lagundi, Rapu-Rapu, Albay.
Kinilala ang suspek na si Armando Botin Echemane, binata, na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
Ayon kay Capt. Dexter Panganiban ng Albay Police, alas-3:00 ng hapon, tumawag ng responde si Brgy. Capt. Felimon Bismonte hinggil sa pagwawala ng suspek na noon ay nasa impluwensiya ng alak sa inilatag nilang barangay checkpoint kaugnay ng pag-iingai sa corona virus disease.
Hindi umano nagustuhan ni Echemane ang paglalagay ng barikada na binabantayan ng tanod na si Laila Bismonte kaya tinanggal niya ito at sinipa.
Bukod sa paglabag ni Echemane sa enhanced community quarantine at sa ipinatutupad na liquor ban sa buong lalawigan ay sasampahan pa ito ng kasong serious disobedience to an agent of a person in authority.
- Latest