^

Police Metro

Pulong ng IATF gagawin muna sa pamamagitan ng teleconference

Malou Escudero - Pang-masa
Pulong ng IATF gagawin muna sa pamamagitan ng teleconference
Ayon kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, mabigat man sa kanyang kalooban, kailangan niyang sumailalim sa labing-apat na araw na self-quarantine para masiguro na hindi makokompromiso ang kalusugan ng ibang tao.
Bong Go FB Page/File

MANILA, Philippines — Isasagawa na lamang sa pamamagitan ng teleconfe­rence ang mga pulong ng Inter Agency Task Force on Emer­ging Infectious Disease.

Kani-kaniyang self qua­rantine kasi ngayon ang ilang mambabatas at Gabinete matapos makasalamuha si ACT-CIS Party-list Representative Eric Go Yap na positibo sa COVID-19 na dumalo sa meeting para sa COVID-19.

Ayon kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, mabigat man sa kanyang kalooban, kailangan niyang sumailalim sa labing-apat na araw na self-quarantine para masiguro na hindi makokompromiso ang kalusugan ng ibang tao.

Sa panig ni Budget Secretary Wendel Avisado, sasailalim na rin siya sa self-quarantine matapos makasalumuha si Yap.Tuloy rin ang kanyang trabaho sa pamamagitan ng teleconfe­rencing sa kanyang mga tauhan.

Nag self-quarantine na rin sina Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista, Interior Secretary Eduardo Año at Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Carlito Galvez na pawang nakasalamuha ni Yap sa Malakanyang.

Maging si Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na tumatayong spokesperson ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease ay kusang nag-self-quarantine na rin kahit hindi niya nakasa­lamuha si Yap.

“Work from home na muna ang kanyang gagawin ngayon lalo’t delikado ang banta sa COVID-19.

Teleconferencing na aniya ang set up ngayon ng IATF.” pahayag ni Nograles.

INTER AGENCY TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with