Kapag nagtaas sa presyo ng produkto traders, 15 taong makukulong
MANILA, Philippines — Pinakamabigat na parusa ang nag-aabang sa mga negosyante kung sakaling samantalahin nila ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagtataas sa presyo ng kanilang produkto na batay sa Price Act ay may parusang 15 taong pagkabilanggo at multang hanggang P2 milyon.
Ginawa ni Trade Secretary Ramon Lopez ang babala sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa Luzon at state of calamity sa buong bansa na kung saan ay awtomatikong magkakaroon ng prize freeze sa lahat ng mga pangunahing bilihin.
Sa joint memorandum circular na ipinalabas ng Department of Trade, Department of Agriculture at Department of Health, sakop ng price freeze ang lahat ng mga mamamayan kabilang ang mga nagbebenta ng pangunahing pangangaailangan sa internet at ibang uri ng media.
Sinabi ni Lopez na hindi dapat magkaroon ng pagtaas sa presyo ng bilihin sa susunod na 60 araw o hanggang Mayo 15, 2020 maliban na lamang kung mas papaagahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbawi sa kanyang deklarasyon.
Hinikayat naman ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) spokesperson Karlo Nograles ang publiko na isumbong sa DTI ang mga nagsasamantalang negosyante sa pamamagitan ng consumer hotline 1-384 o e-mail addres na Consu[email protected].
Pinatitiyak ni Lopez sa mga tagapagpatupad ng batas na tiyakin na istriktong masusunod ang price freeze.
- Latest