^

Police Metro

Ginang nag-panic buying na walang pera, inaresto

Mer Layson - Pang-masa
Ginang nag-panic buying na walang pera, inaresto
Sa ulat ng Pasig City Police, alas-7:15 ng gabi nang magtungo ang suspek sa supermarket na matatagpuan sa Ortigas Extension, Brgy. Rosario na namili ng mga goods na umaabot sa P4,665.75 dahil sa panic buying na agad isinilid sa dalang shoulder bag.
Michael VArcas/ File

MANILA, Philippines — Inaresto ang isang 39-anyos na ginang nang mag-‘panic buying’ sa isang kilalang supermarket nang wala naman palang planong magba­yad kamakalawa ng gabi sa Brgy. Rosario, Pasig City.

Ang suspek na kakasuhan ng shoplifting ay kinilalang si Edrose Velasco, 39, residente ng naturang lugar.

Sa ulat ng Pasig City Police, alas-7:15 ng gabi nang magtungo ang suspek sa supermarket na matatagpuan sa Ortigas Extension, Brgy. Rosario na namili ng mga goods na umaabot sa P4,665.75 dahil sa panic buying na agad isinilid sa dalang shoulder bag.

Sa halip na magbayad ay dumiretso lumabas ng tindahan na lingid sa kanyang kaalaman ay minamasdan na siya ng isang security guard kaya’t kaagad siyang sinundan at sinita.

Nang walang maipakitang resibo sa mga grocery items ay kaagad itong binitbit sa pulisya.

PANIC BUYING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with