^

Police Metro

Injectable gluta mapanganib - FDA

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng babala ang Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko lalo na sa mga gusto na maging “mestisa look” na mag-ingat sa pipiliing beauty regimen.

Tinukoy ng FDA ang Glutathione IV na ina-administer ng non-health clinics tulad ng spa at beauty salon ay hindi garantisado ang kaligtasan ng kalusugan ng tao dahil wala umano itong sapat na pasilidad para sa kanilang kliyente na magkakaroon ng side effects sa gamot.

Kabilang sa posibleng maranasan ng kliyente ang hypersensitivity, o reaksiyon o intolerance ng normal immune system tulad ng allergies o autosensitivity; chest pain o pananakit ng dibdib; hirap sa paghinga; palpitation o mabilis na pagtibok ng puso; itching o pangangati at pagkakaroon ng rashes o pantal-pantal sa balat; high dose ng Vitamin C na taglay nito ay maari ding magresulta sa hemodialysis  at acidic na ihi; at ang pinakamatindi ay kamatayan.

FOOD AND DRUGS ADMINISTRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with