^

Police Metro

Delivery man tiklo sa droga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo nang walang helmet, bagsak-kalaboso ang isang delivery man matapos itong mahulihan ng droga sa Oplan Sita sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brig. Gen. Ronnie Montejo ang suspek na si Jerome Tataro, 28 anyos, ng Brgy. Bahay Toro.

Bandang alas-5:30 ng umaga nang maharang sa checkpoint si Tataro ng mga operatiba ng Talipapa Police Station (PS) 3 sa nasabing lugar.

Ayon kay Montejo, ang suspek ay lulan ng kulay ubeng Honda Wave 125 (WI 5230) na pinara sa checkpoint ng Oplan Sita ng Police Station 3 sa ilalim ng pamumuno ni Police Lt. Col. Benjamin Gabriel Jr. bandang alas-5:30 ng umaga sa Road 23 sa panulukan ng Shorthorn, Project 8, Brgy. Bahay Toro dahil wala itong suot na protective helmet.

Gayunman, sa halip na huminto ay pinaharurot ng suspect ang minamaneho nitong motorsiklo bunsod upang habulin ito ng mga operatiba at arestuhin.

Nang kapkapan, na­kumpiska kay Tataro ang 12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.00 at cellphone na pinaniniwalang gamit nito sa transaksyon ng iligal na droga.

DROGA

OPLAN SITA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with