Manyakis naglantad ng ari sa bebot
MANILA, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng isang lalaki makaraang bigla na lamang niyang ibuyangyang ang kaniyang ari at pilit na ipahawak sa isang dalaga sa gilid ng kalsada sa Makati City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang inaresto na si Anthony Yape, 23, walang trabaho at residente ng Phase 7, Package 4, Lot 6, Block 20, Brgy. 176, Caloocan City.
Sa reklamo sa Makati City Police ng biktimang itinago sa alyas Jenny, 23-anyos, accounting assistant, naghihintay siya ng masasakyan dakong alas-10:00 ng gabi sa may Arsonvel Street, Brgy. San Isidro nang lapitan siya ng suspek.
Bigla umanong hinablot ng lalaki ang kaniyang kamay at tinangkang ilapit sa kaniyang nakalantad na ari upang pahawakan ito. Nagpapalag ang biktima at itinulak ang suspek na tumakbo palayo.
Tiyempo na may rumorondang tauhan ng Bantay Bayan na hiningan ng biktima ng saklolo. Hinabol ng mga tanod ang suspek hanggang sa makorner siya.
Nabatid na dayo rin lang sa lugar ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 11313 o Safe Spaces Act.
- Latest