Mag-lover itinumba sa inupahang apartment
MANILA, Philippines — Kapwa nasawi noon din ang isang maglive-in partner nang pasukin ng hindi pa nakilalang mga gunmen ang nirerentahan nilang apartment at pagbabarilin, naganap kamakalawa sa Brgy. Santol, Tanza, Cavite.
Kinilala ang nasawi na sina Amante Ronquillo at Ma. Jesusa Torcuator; kapwa 48-anyos.
Sa ulat, bago naganap ang krimen, bandang alas-2:30 ng hapon sa loob ng apartment ng mga biktima ay nakita ng isang kapitbahay ang pagdating sa lugar ng mga armadong suspek na agad pinasok ang mga biktima.
Ilang sandali ay nakarinig nang sunud-sunod na putok ng baril at nakita ang mga suspek na nagmamadaling tumalilis sa lugar na hindi nagawang harangin ng mga kapitbahay sa dahilang pawang armado ang mga ito.
Nabatid na ang mag-lover ay apat na araw pa lamang nangungupahan sa nasabing apartment.
Narekober naman sa crime scene ang sari-saring ID’s ng maglive-in partner na iba’t iba ang ginamit na pangalan pero iisa lamang ang larawan.
- Latest